-- Advertisements --
Inamin ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon na naaapektuhan ang release ng ilan sa kanilang COVID-19 tests dahil sa maling labelling at bar codes mula sa mga local government units (LGU).
Ayon kay Gordon, tuloy-tuloy naman ang kanilang pagsusuri sa mga sample, kung saan 720 test per hour ang nagagawa, gamit ang kanilang mga bagong pasilidad.
Nasa 10 LGU ang pinanggagalingan ng swab samples na sinusuri ng PRC sa kasalukuyan.
Wika ni Chairman Gordon, anumang problema sa sample ay nagpapabagal ito sa kanilang proseso at nakakaapekto sa iba pang gawain ng kanilang mga tauhan.
Kaya naman, muling binigyang diin ng senador na hindi na tatanggapin sa laboratoryo ang mga samples na walang maayos na data entry, para maiwasan ang aberya.