Kasabay ng kanyang pagbisita sa Pilipinas, nag-alay ng bulaklak si Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad sa dambana ng pambansang bayani ng bansa na si Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Nitong hapon nang pangunahan ni Mohamad ang wreath laying ceremony kasama si Manila Mayor Joseph Estrada.

Bago nagtungo sa dambana ng pambansang bayani, nakipagkita muna ang Malaysian Prime Minister kina Senate Pres. Tito Sotto at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Makati City.

Matapos ang aktibidad sa Luneta ay pupunta naman sa Malacañang si Mohamad para sa isa ring pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Miyerkules nang gabi ng dumating sa Villamor Airbase ang eroplanong naghatid sa punong ministro ng Malaysia.