Pinabulaanan ng Malaysian tourism minister na mayroong mga gay sa kaniyang bansa.

Kasunod ito ng kapanayamin ng mga German reporters si Tourism Minister Mohamaddin Ketapi kung tatanggapin ba nila sa kaniyang bansa ang mga turistang gay.

Nilinaw naman nito na kanila pa ring tatanggapin ang mga dayuhan na nasa ikatlong kasarian.

Ayon naman sa ilang mambabatas sa Malaysia na ang pahayag ng kanilang tourism minister ay personal nitong opinyon dahil hindi nila kinikilala sa kanilang bansa ang LGBT community.