-- Advertisements --

Masayang ibinalita ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na nag-commit ang Malaysian Business Leaders ng $285 million investments sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga business leaders sa Malaysia ay nagpahayag ng matinding interes na mamuhunan sa industriya ng pagpoproseso ng pagkain, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, infrastructure, water at wastewater treatment sa Pilipinas.

Ayon sa chief executive ang mga nasabing investment commitments ng Malaysian business leaders ay mayruong valuable contribution sa economic growth ng Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga pananaw mula sa mga pagpupulong ay higit na nakakumbinsi sa kanya na ang Pilipinas at Malaysia ay gumagalaw sa tamang direksyon, na may mga pagbabago sa istruktura na magtatatag sa Pilipinas bilang perpektong kasosyo sa pamumuhunan para sa mga negosyong Malaysian.

Sa nasabing pulong, binigyang-diin ng punong ehekutibo na ang Pilipinas ay nagpakita ng malusog na senyales ng pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng mga pandaigdigang hamon na dala ng pandemya ng COVID-19 at kaniya ding binanggit na ang Pilipinas ay nakarehistro ng 7.6 GDP growth noong nakaraang taon.

Dagdag pa ng Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay isa sa pinakamahusay na gumaganap na ekonomiya sa Asia Pacific Region.