Binigyang diin ng Malaysia na matatag itong nakatuon sa pagprotekta sa mga karapatan at interes ng soberanya nito sa West Philippine Sea matapos magpahayag ng pagkabahala ang China tungkol sa mga energy projects ng Malaysia sa isang bahagi ng dagat na inaangkin din ng China.
Sinabi ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, na nag-aalala ang China sa aktibidad ng state energy firm sa bahagi ng West PH Sea na sinasabi ng Malaysia na teritoryo din nito.
Sinabi ni Anwar na bukas siya sa mga negosasyon sa China, na humahatak ng kritisismo mula sa oposisyon, na nagsabing inilalagay ni Anwar ang panganib sa soberanya ng Malaysia.
Ayon sa foreign ministry, ang komento ni Anwar ay nangangahulugan na nais ng Malaysia na malutas ang lahat ng isyu na may kaugnayan sa West PH Sea sa mapayapang paraan.
Ang gobyerno ng Malaysia ay malinaw at matatag na nakatuon sa pagprotekta sa soberanya, mga karapatan at interes sa mga maritime na lugar nito sa West Ph Sea.
Kung matatandaan, inaangkin ng China ang soberanya sa halos buong West Ph Sea na kung saan humigit-kumulang $3 trillion na halaga ng kalakalang dala ng barko ang dumadaan taun-taon.
May ilang magkakapatong na claim ang Malaysia, Brunei, Pilipinas, Taiwan at Vietnam sa naturang pinagtatalunang karagatan.