-- Advertisements --
noel clement
Lt. Gen. Noel Clement (photo from Central Command, AFP)

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement na magpapatupad ng “institution-wide changes” sa Philippine Military Academy (PMA).

Ito ay upang hindi na maulit pa sa ibang kadete ang sinapit ni 4CL Darwin Dormitorio na namatay dahil sa “maltreatment.”

Ayon kay Clement, asahan na ang mga pagbabago sa darating na mga araw.

Sa ngayon aniya, nasa 12 kadete na ang nakakulong dahil sa kanilang partisipasyon sa pagkamatay ni Dormitorio at pagkakaospital ng ibang kadete dahil sa maltreatment.

Samantala, apat na kadete ang nasa St. Luke’s at tatlo ang nasa AFP Medical Center na dating V Luna hospital.

Kung maaalala, ipinagutos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasailalim ng lahat ng plebo sa medical and physical examanition upang madetermina kung may mga iba pang naging biktima ng pananakit.

Una na ring nagdeklara ng giyera kontra hazing ang bagong Commandant of the cadets ng PMA na si B/Gen. Romeo Brawner.