-- Advertisements --
image 408

Bukod sa mga residente, apektado na rin ng malawakang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress ang mga seabirds sa Oriental Mindoro.

Ito ay matapos na mamataan ang ilang patay na ibon na nababalot ng langis sa ilang coastal communities sa lugar.

Ayon sa mga kinauukulan, malaki ang epektong dulot ng nasabing oil spill sa mga ibon partikular na sa paghahanap ng pagkain ng mga ito.

Babala ng isang eksperto, kung hindi agad ito maaagapan ay posible pa itong tumagal ng ilang dekada bago makumpleto ang rehabilitasyon sa nasabing lugar.

Sa ngayon, ay hindi pa rin malaman ng mga kinuukulan ang posibleng naging epekto ng oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa mga underwater species ng apektadong lugar lalo na’t hindi pa ito ligtas na sisirin.

Samantala, sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy pa rin naman ang pag-asa ng mga residente sa lugar na agad maagapan at masosolusyonan na ang suliranin na ito sa lalong madaling panahon.