NAGA CITY – Muling bumubuo ng planong pagkakaroon ng malawakang kilos protesta ang mga militanteng groupo sa Hong Kong.
Sa report ni Bombo International Correspondent Susan Patenio Quiobe, sinabi nitong mayroon silang nakikitang mga post sa social media tungkol sa mga
posibleng lugar na pagdarausan ng nasabing kilos protesta.
Kung maaalala pansamantalang natigil ang malawakang pag-aalsa sa lugar dahil sa ipinapatupad na social distancing dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ngunit sa ngayon, base umano sa ipinaabot na pahayag ng consulate sa lugar pinagiingat nito ang mga pinoy dahil sa umano’y tatlong araw na kilos
protesta.
Sa kabila nito wala pa naman umano silang nakikitang mga grupo ng mga militanteng groupo na nagtitipon tipon sa lugar dahil marami rin ang mga pulis na nakabantay dito.
Inaasahan naman na sa May 7 posibleng alisin na ang ipinapatupad na lockdown sa nasabing lugar.