-- Advertisements --

Magsasagawa ng malawakang coconut tree planting ang Department of Agriculture (DA) sa oras na maaprubahan na ang Coconut Farmers Trust Fund, ayon kay Agriculture Sec. William Dar.

Ayon kay Dar, 100 million coconut trees sa bansa ang kailangan nang palitan ng gobyerno dahil masyadong matanda na at hindi na rin aniya ito nagbibigay ng bunga.

Sinabi ng kalihim na hindi pa nila nagagalaw ang nakalaang coco levy fund, na nagkakahalaga ng P100 billion.

Umaasa naman ito na makabalangkas ang Kongreso ng batas na magsasabi kung paalo ilalaan ang coconut levy fund.

Ang principal fund ng trust fund ay hindi dapat gamitin sa mga proyekto kundi ang kita sa interest nito, ayon kay Dar.

Kahapon, sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na bumuo ng plano sa kung paano gamitin ang perang inilaan ng pamahalaan para magamit naman ng mga magsasaka.