Pinag-aaralan na ng Kagawaran ng Turismo mga malalaking proposal na magpapalago sa turismo ng 15 na LGU sa buong bansa.
Ayon kay Secretary Christina Frasco, ito ay bahagi ng programa nitong Tourism Champions Challenge na isang flagship program ng Marcos Administration, kasma ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority(TIEZA).
Ang 15 na napiling mga LGU ay sasailalim pa sa ranking system kung saan tutukuyin ang relevance at potential ng kanilang kontribusyon sa turismo sa bansa.
Tig-lima ang kinuha mula sa Luzon, Visayas, at Mindano.
Bago nito ay sumailalim muna sa selection at screening process ang mga naturang LGU
Samantala, naghanda naman ang naturang kagawaran ng malaking halaga bilang premyo sa mga LGU:
1st – P20 million
2nd – P15 million
3rd – P10 million
4th – P8 million
5th – P7 million
Ayon kay Sec. Frasco, simula ilunsad nila ang Tourism Champions Challenge, halos isandaang mga submission ang kanilang natanggap mula sa mga LGU sa buong bansa.