Binabantayan na ng Philippine Port Authority(PPA) ang mga pantalan sa buong bansa kasabay ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.
Pangunahin sa mga binabantayan ng naturang ahensiya ay ang limang malalaking pantalan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Batangas Port sa probinsya ng Batangas; Matnog Port sa Sorsogon, Panay/Guimaras Port sa bahagi ng Visayas; Calapan Port sa Oriental Mindoro; Davao Port patungong Samal Island mula sa Mindanao; at Bacolod Port sa Negros Occidental.
Ang mga naturang terminal/pwerto ay inaasahang lalo pang dadagsain ng maraming mga pasahero kayat kinakailangan ng doblehin ang seguridad sa mga ito.
Ngayong kapaskuhan ay inaasahan ng PPA na aabot ng hanggang sa limang milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga terminal.
Samantala, binuksan na rin ng Batangas Port ang bago nitong terminal, kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero. Ang bagong-bukas na pasilidad ay kayang mag-accommodate ng hanggang sa 8,000 biyahero.