-- Advertisements --

Nagtaas ng red rainfall alert ang Pagasa sa ilang lugar sa bansa dahil sa tropical storm Leon at habagat.

Kabilang sa sakop ng warning ang Kalayaan Islands, Palawan at Occidental Mindoro.

Habang oranger alert naman sa iba pang bahagi ng Palawan.

Samantalang yellow alert sa Cebu, partikular na sa Talisay City, Cebu City, Mandaue City, Consolacion, Liloan, Compostela, Lapu-Lapu City at Cordova.

Nakaranas din ng ulan sa Surigao del Norte, Dinagat Is., Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin Is. at Surigao del Sur.

Sa kasalukuyan, ang sentro ng bagyong Leon ay namataan sa layong 330 km sa kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Nananatili naman ang lakas ng hangin nitong 65 kph at may pagbugsong 80 kph.