-- Advertisements --
guido david
OCTA Research Group fellow Dr. Guido David

Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng positivity rate ng coronavirus disease ang lalawigan ng South Cotabato at Misamis Oriental ayon sa OCTA research group.

Sa ulat ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, tumaas sa 13% ang naitalang positivity rate sa South Cotabato noong February 25, mula sa 2.8% na naitala noong February 18, 2023.

Habang nakapagtala rin ng pagtaas sa kaso ng positivity rate ang lalawigan ng Misamis Oriental sa 6.5% mula sa dating 4.3% na naitala noon.

Bukod dito ay nakapagtala rin ang OCTA Research ng pagtaas ng positivity rate sa mga lalawigan ng Batangas, Bulacan, Cavite, Davao del Sur, Iloilo, Pampanga, at Pangasinan.

Samantala, bahagyang bumaba naman ang bilang ng positivity rate sa National Capital Region mula sa 1.7% na naitala noong February 18, na bumaba sa 1.6% nitong February 25, 2023.