-- Advertisements --
Asahan ang malaking pagbabago na magaganap sa Gilas Pilipinas.
Ito ay matapos na mawala sa kamay ng national basketball team ng bansa ang kampeonato na hawak nila sa loob ng 13 nagdaang mga Southeast Asian Games (SEA Games) ng talunin sila ng Indonesia 85-81 noong nagdaang torneo sa Hanoi, Vietnam.
Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio na walang ibang sisisihin kung hindi sila.
Ang kanilang pagkatalo ay hindi na katapusan ng mundo ng basketball at sa halip ay isang hamon.
Ito kasi ang unang beses mula noong 1989 SEA Games ng hindi magwagi ng gold medal ang Pilipinas.
Tiniyak din ni Panlilio na makakbangon ang Gilas para bawiin ang kanilang trono.