-- Advertisements --
pnp

Nakapagtala ng malaking pagbaba sa bilang ng mga kasong naitatala sa buong bansa ang Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng dalawang araw.

Sa ulat ng PNP Crime Research Analysis Center, mula Setyembre 18 hanggang 19 bumaba sa 34 ang bilang ng index crime na kanilang naitala mula sa dating 83 krimeng kanilang na-record noon.

Bumaba rin sa 89 ang bilang ng kanilang naitalang non-index crime mula sa 721 na mga kasong kanilang naitala noon.

Ayon sa pulisya, ang mga indibidwal na nahuhuling lumalabag sa Anti- Gambling Law ang mayroong pinakamalaking pagbaba sa bilang ng mga kasong kanilang naitala dahil na rin sa ginagawa nitong pagpapaigtin pa sa kanilang monitoring sa mga illegal na mga aktibidad sa bansa.

Samantala, patuloy naman na tiniyak ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. ang publiko na dino-doble pa nila ang lahat ng effort ng pulisya kabilang na ang mahigpit na pagmonitor sa crime incidence sa bansa upang mapanatili ang momentum at muling maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pulisya.