-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng matinding pagbaha sa North Cotabato at Maguindanao ang bumarang ekta-ektaryang waterlily sa mahabang tulay na nag-uugnay sa dalawang lalawigan.
Tuluyan nang natanggal ang limang ektayang water hyacinth na bumara sa Datu Piang, Maguindanao Bridge.
Gumamit ng amphibous excavator ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para wasakin ang waterlily na may kasamang lupa.
Tatlong araw ding pinagtulungan ng DPWH at lokal na pamahalaan ng bayan ng Datu Piang ang pagtangal sa bumara na mga water hyacinth.
Nagpasalamat naman ang LGU-Datu Piang sa tulong ng DPWH sa pagwasak sa malaking kumpol ng waterlily at naibsan ang pagbaha sa magkatabing probinsya.