Kinilala ni House Speaker Martin Romualdez ang malaking kontribusyon ng mga Filipino OFWs sa South Korea sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ginawa ni speaker ang pahayag kasabay ng kaniyang pagdalo sa 18th Jeju Forum at ASEAN-Korea Leaders Forum.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Speaker kasama ang ilang mga mambabatas na bahagi ng House delegation na bisitahin at makasalamuha ang mga Pinoy OFW na nagta trabaho sa Jeju, South Korea.
Sa mensahe ni Romualdez kaniyang binigyang-diin ang malaking kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin din ni Romualdez na malaki ang pagpapahalaga ng Marcos Jr. administration sa lahat ng sakripisyo ng mga Pinoy OFWs para sa kanilang pamilya at sa bayan.
Sa kabilang dako, tiniyak ni Speaker na kanilang sisiguruhin ang proteksiyon at karapatan ng mga Filipino migrant sa South Korea.
Samantala, naging produktibo naman ang dinaluhang pulong ng house delegation sa South Korea kung saan palalakasin pa ang bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.