-- Advertisements --
Nawalan ng suplay ng kuryente ng 1.5 milyon na residente ng Odesa region sa Ukraine matapos ang ginawang drone attack ng Russia.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na aabot sa 15 na mga Iranian-made Shahed drones ang ginamit ng Russia sa pantalan ng Odesa kung saan tinamaan ang mga power supply sa lugar.
Napabagsak naman ng Ukraine ang 10 sa 15 mga drones ng Russia.
Aabot sa ilang araw aniya bago tuluyang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa nasabing lugar.