LEGAZPI CITY – Ngayon pa lang ay ramdam na raw ng mga residente sa Japan ang malakas na buhos ng ulan at katamtamang bugso ng hangin ng typhoon Hagibis.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Pinay at Japanese resident na si Jenny Azisaawa, na dumalang na ang mga pribado at pampublikong sasakyan na bumibiyahe.
Habang ang biyahe ng mga tren, bus at eroplano ay kinansela na rin.
Bukod dito, ilang residente na raw ang nag-panic buying dahil sa takot na mawalan ng imbak na pagkain sakaling lumala ang pananalasa ng bagyo.
Naubos na umano ang mga kandila, gas stoves at lighter bilang reserva sakaling magka-probelma sa power supply.
Sa ngayon nakatutok daw ang mga otoridad sa coastal at flood prone areas sakaling tumaas ang alon.
Batay kasi sa ulat, may ilang residente pa rin ang nananatili sa evacuation centers matapos salantain ng nakaraang bagyong Faxai ang bansa.