-- Advertisements --
Magpapatuloy pa rin ang malalakas na ulan at baha sa malaking bahagi ng bansa na apektado ng shear line o tila linya ng makapal na ulap.
Kabilang sa mga apektado ang Albay, Sorsogon, Masbate, Aklan, Capiz, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Northern Mindanao.
Matatandaang kahapon ay nakaranas na rin ng baha sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro, Camarines Norte at mga karatig na lugar.
Wala namang nakikitang bagyo o kahit low pressure area (LPA) na malapit sa ating bansa.