Nasampahan na ng kaso ang isang Malagasy national matapos na mahulian ito ng anim na kilo ng hinihinalang shabu mula sa kaniyang bagahe.
Naaresto ang 42-anyos na suspek na si Harisoa Sandra ng dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport.
Galing sa Madagascar, East Africa at lulan ng Ethiopian Airlines flight ET 644 ang suspek at ng dumaan ang bagahe nito sa X-ray Inspection Project (XIP) ay nakuha sa bagahe nito ang nasabing iligal na mga droga.
Matapos na kumpirmahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA ) na isang uri ng methamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang sa anim na kilo ay agad na nila itong inaresto.
Tiniyak ng mga kasapi ng Bureau of Customs at PDEA na mahigpit ang kanilang pagbabantay laban sa iligal na droga na tinatangkang ipuslit sa bansa.