-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng Malacañang ang mga residente malapit sa bisinidad ng Taal Volcano na maging alerto dahil na rin sa pag-aalburuto ng Taal Volcano matapos itaas sa Alert Level 3.

Sa press statement, sianbi ni presidential spokesperson Martin Andanar patuloy naman umanong mino-monitor ng executive department ang sitwasyon ng mga lugar na malapit sa Taal Volcano.

Dapat daw ay maging alerto at vigilant ang mga residenteng apekado sa ilang barangay at kumuha ng mga bagong update sa mga mapagkakatiwalaang mga sources at otoridad.

Hinimok din ng Malakanyang ang mga residente na makipag-ugnayan sa mga concerned agencies habang patuloy namang mino-monitor ang kalagayan at development ng bulkan.

Sinabi ni Andanar na nagpapatupad na raw ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at kanilang regional counterparts at local government units ng mga precautionary measures kabilang na ang evacuation sa mga high-risk communities malapit sa Taal volcano island at mga mangingisda sa Taal Lake.

Sinabi naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon na silang Quick Response Teams na naka-standby at mayroong mga stockpile ng food at non-food items bilang augmentation ng mga local supplies kapag kinakailangan.

Kahapon, base sa datos ng LGU nasa 854 na pamiya o 2,894 na katao ang nasa loob ng 12 evacuation centers sa Calabarzon na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Taal Volcano sa Alert Level 3 o tinatawag na magmatic unrest dahil sa phreatomagmatic eruption.

Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Paolo Reniva, resident volcanologist, taal volcano observatory, sinabi nitong posibleng dalawang linggo pa nilang oobserbahan ang bulkan bago magbaba ng bagong alert level.