-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inamin ng Malacañang na naging pahirapan ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas sa nalalabing sampung buwan ng Duterte administration.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sinabi nito na ang sampung buwan bago ang pagpalit ng bagong administrastyon ay napakahalaga.

Ayon kay Andanar, bago nangyari ang pandemya, bumaba ang poverty incident ng bansa sa 13% mula sa 24% o may katumbas na 13 milyong Pilipino na naihahon sa kahirapan.

Nanawagan naman ang Duterte administration ng pagkakaisa sa mga Pilipino upang muling makabangon ang ekonomiya.