-- Advertisements --

Dumistansya ang Malacañang sa panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang Ferdinand Marcos Sr. Airport.

Ayon kay PCOO Sec. Trixie Cruz-Angeles, hindi naman sa kanila nagmula ang panukala at wala pa rin naman itong nararating sa kongreso, kaya hindi pa nila nakikita ang pangangailangan para magkomentaryo.

“Malacañang has no comment yet on this one. It was just filed, wala pa ngang first reading so any reaction would be premature,” wika ni Angeles.

Ang bill ay inihain ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ngunit hindi pa naman ito nasisimulang talakayin sa Kamara, dahil naka-bakasyon pa ang mga mambabatas.

Samantala, ipinagtanggol naman ng palasyo ang naging pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bulacan Airport ecozone bill.

Kahit daw kasi nabuo ang panukala sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, wala namang nakasaad na bawal itong i-veto ng susunod na presidente.