-- Advertisements --
baha 2

KALIBO, Aklan – Isinailalim na sa state of calamity ang buong bayan ng Makato sa lalawigan ng Aklan dahil sa matinding pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan na dala ng low pressure area (LPA) at Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) simula noong nakaraang linggo.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makabangon mula sa epekto ng flashfloods sa kanilang pamilya at kabuhayan.

baha 3

Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa naturang bayan sa state of calamity ay magagamit ang kanilang calamity funds para matulungan ang mga apektadong residente sa lugar.

Sa pagtaya ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nasa P5 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang P127 milyon naman sa agrikultura at fishery sector.

Mahigit sa 3,000 namang mga residente ang apektado ng kalamidad.