-- Advertisements --

Magpapatupad ng granular lockdowns ang Makati City government sa iba’t ibang COVID-19 hotspots sa lungsod.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang asymptomatic COVID-19 cases, ayon kay Makati City Mayor Abby Binay.

Pinaghahandaan rin aniya nila ang Delta variant sa pamamagitan nang pagtayo ng isang field hospital para madagdagan din ang kanilang bed capacity.

Mamahagi rin aniya sila ng home care COVID-19 kits para sa mga nasa ilalim ng home quarantine.

Sa ngayon, nakabili na aniya ang city government ng mga oxygen tanks at oxygenators.

Base sa datos ng lokal na pamahalaan, lumalabas na ang lungsod ay mayroong kabuuang 655 active cases ng COVID-19 hanggang noong Hulyo 27, 2021.