Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Nananatiling sarado sa mga motorista ang Kennon Road na isa sa mga pangunahing ruta patungo sa Baguio City.

Ayon kay Police Major James Acod, hepe ng Tuba Municipal Police Station sa Tuba, Benguet, ito ay dahil sa hindi pa natatapos ang rehabilitasyon sa kalsada.

Ipinaliwanag niya na ang mga nakatira lamang sa sakop ng Kennon Road ang pinahihintulutang dumaan sa kalsada.

Iminungkahi ni Acod ang paggamit ng mga motorista sa Marcos Highway, Naguilian Road at Nangalisan-San Pascual Road papunta sa City of Pines o kaya’y sa bahagi ng Benguet.

Kilala ang Kennon Road bilang isa sa mga pangunahing kalsada patungo sa Baguio City at dito matatagpuan ang tanyag na Lion’s Head.