Hinihimok ng mga kongresistang bumubuo sa Makabayan bloc ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagtibayin ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at ng University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa biglaang pagpasok ng mga sundalo at pulis sa loob ng mga campus nito.
Nitong umaga ay inihain ng Makabayan bloc solons para ipahayag ang kanilang mariing pagtutol sa pagkansela ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa 1989 UP-DND Accord.
Iginiit ng mga kongresistang ito na malayo para magingn “moot and academic” ang UP-DND Accord lalo pa at sa mga nakalipas na taon lang ay ilang beses ito nalabag.
Isa sa mga tinukoy nila ay ang insidente noong Hunyo 2020 kung saan ilang mga estudyante na nagpoprotesta kontra Anti-Terrorism Act sa loob ng UP Cebu campus ang inaresto dahil sa paglabag umano ng mga ito sa ban ng pamahalaan laban sa mass gatherings.
Ayon kina Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago; ACT Teachers Partylist Rep. France Castro; Bayan Muna Partylist Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, and Eudfemia Cullamat; at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas hindi maaring buwagin ang kasunduan ng iisang partido lamang.
“One-sidedly and arbitrarily terminating the accord which is being enforced for more than 30 years already and which the parties have generally respected through the years is an affront to civilian institutions and alarming as it could lead again to extensive campus militarization and brazen attacks on human rights,” giit ng mga ito.
““The unilateral abrogation of the 1989 UP-DND Accord and the looming militarization of campuses nationwide undermine academic freedom, and threaten the right to life, liberty, and security and freedoms of speech, of expression, and of peaceful assembly,” dagdag pa nila.