Inihain ng mga mambabatas ang House Resolution 955 kung saan ito ay naglalayong magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa privatization ng isang electric cooperative sa Negros Occidental.
Ayon sa mga mambabatas, hindi umano solusyon ang pagsasapribado nito upang maging maayos ang serbisyo at maging mura ang singil ng kuryente.
Inihalimbawa pa ng mambabatas ang nangyari sa Electric Power Industry Reform kung saan mas tumaas pa raw ang singil sa kuryente ngunit patuloy parin ang mga brown outs.
Sinabi pa ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na hindi raw dapat ipaubaya sa mga private sectors ang strategic industries tulad ng kuryente, tubig, transportasyon, langis at komunikasyon dahil ang tanging gusto lamang raw ng private sectors ay tubo sa negosyo.
Ang gobyerno raw ang dapat na mamahala dito upang masiguro na ang interest ng nakararami ang uunahin at hindi ng mga corporate oligarchs.