-- Advertisements --

Iginiit ng mga dati at kasalukuyang militanteng mambabatas na hindi sila opisyal o kahit kasapi ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Ginawa nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pahayag sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on national defense and security, kasama sina Kabataan Rep. Sarah Ilago, dating Bayan Muna Reps. Teddy Casino at Atty. Neri Colmenares.

Ayon kay Zarate, kung may mga miyembro man ng militanteng grupo na kalaunan ay naging rebelde, ito ay personal na pasya ng mga iyon at hindi bahagi ng layunin ng kanilang hanay.

Agad namang bumwelta si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa mga pahayag ng mga kasapi ng Makabayan bloc.

Giit ni Esperon, umiiwas lamang ang militanteng mambabatas sa pananagutan.

Katunayan hindi magawa ng mga ito na direktang kundenahin ang pagsali sa CPP-NPA ng kanilang mga kasamahan sa mga progresibong grupo.