-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan sa Kamara ng Makabayan bloc lawmaker in aid of legislation ang umano’y mga kasong kinasangkutan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Inihain ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas ang House Resolution No.644 para imbestigahan ng House Committee on Women and Gender Equality and the Welfare of Children ang nasabing isyu.

Layon ng nasabing resolusyon na imbestigahan ang kasong rape, sex trafficking at physical abuse ni Quiboloy laban sa mga kababaihan at mga bata batay sa iniulat ng United States authorities.

Batay sa indictment o sakdal laban kay Quiboloy na tatlo sa limang babaeng biktima ay mga menor de edad at ang umano’y sex trafficking activities ni Quiboloy ay nagsimula pa nuong 2002.

Nabatid na required umano makipag talik ang mga ito sa Pastor bilang bahagi ng kanilang night duty.

Naglabas din ang FBI ng “wanted” poster laban kay Quiboloy dahil sa umano’y panggagahasa sa mga babae at bata.

Kamakailan lamang ang US Department of Treasury ‘s Office of Foreign Assets Control naglabas ng sanctioned laban sa 40 indibidwal at entities na sangkot sa korupsiyon at lumalabag sa karapatan pantao kabilang si Pastor Quiboloy.

Sa ngayon hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Malacanang ukol sa isyu laban kay Quiboloy.