Bagsak na grado ang ibinigay ng Makabayan bloc sa 1st 100 days sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, parang may “pagka-deja vu” ang Marcos administration sa nakaraang administrasyong Duterte.
Paliwanag ni Rep. Castro, marami umano ang naipangako pero walang natutupad kabilang ang anya ay dapat na pagtaas ng sahod ng mga guro.
Binanggit din ni Castro ang patuloy na harassment at red tagging sa mga kritiko at pumupuna sa administrasyon ni Pangulong Marcos.
Binatikos ni Castro na mas inuna pa ni Pangulong Marcos ang mga mayayaman, mga foreign investor at pagpunta sa Singapore para manood ng magarbong Formula 1 Grandprix gamit ang umanoy taxpayers money.
Dagdag pa ni Castro, sa 2023 proposed national budget may. napakalaking intelligence funds para sa Office of the President at Office of the Vice President na maituturing umano na president at vice presidential pork.
Inirekuminda naman ni Castro na tutukan ni Pangulong Marcos ang mataas na inflation, power rate hikes, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang wala pa rin dagdag-sahod ang mga manggagawa.
Samantala, isang magandang development ang ginawang re-alignment ng Kamara na P77.5 billion na bahagi sa approved version ng 2023 GAB ayon sa teacher solon.
Gayunpaman sinabi ni Castro kulang pa rin ito.
Ngayong, naka recess ang kamara abala ang makabayan bloc lawmaker sa pagsasagawa ng konsultasyon sa ibat ibang bahagi ng bansa.