-- Advertisements --

Walang katotohanan ang ulat na umano’y zero ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at walang nakalaang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) sa General Santos City.

Ito ang binigyang-diin ni House Majority Leader Sandro Marcos.

Sa isang interview, sinabi ni Marcos na imposible ang naturang pahayag at hinamon ang mga nag-uulat nito na beripikahin muna ang impormasyon bago ito ikalat.

Nang banggitin ng isang reporter na ang impormasyon ay mula umano kay Rep. Leandro Leviste, muling iginiit ni Marcos na dapat munang beripikahin ang katotohanan ng impormasyon.

Ayon kay Marcos, wala siyang nalalamang kaso na may zero budget para sa mga nabanggit na programa, lalo na sa General Santos City.

“Okay. So next time, yes po, ma’am. So next time, let’s just verify. Kasi before that, kwento-kwento lang yan. As far as I know po, wala pong zero na ganun. Lalo na sa Gensan, who would be so stupid to do that? I mean, really. Thank you,” pahayag ni Majority Leader Sandro Marcos.