-- Advertisements --

Tiniyak ni House Majority Leader Mannix Dalipe na kasama sa gagawing amyenda sa 2023 General Appropriations Bill (GAB) ang maglalaan ng pondo sa mga programa na may zero budget batay sa isinumiteng 2023 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Dalipe sa ngayon nasa proseso na ang Kamara sa pag-consolidate ang mga panukalang amyenda sa 2023 GAB.

Kabilang na dito ang mga programa na hindi pinaglaanan ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM).

Pagtiyak ni Majority Leader na magkakaroon ng pagbabago at hindi ma zero ang mga nasabing mahahalagang programa.

Dagdag pa nito na pinasisiguro ni House Speaker Martin Romualdez na maayos na ang lahat kapag na transmit na ang panukalang budget na aprubado ng Kamara patungo sa Senado.

Dagdag pa ni Dalipe na nakatakdang magpulong ang small committee para talakayin ang mga amendments na gagawin.