-- Advertisements --
degamo 1

Kumpiyansa ang Philippine National Police na malapit na nitong maresolba ang kasong pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na paggulong ng imbestigasyon sa ukol dito upang papanagutin ang mga salarin at utak sa likod ng naturang krimen.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, inaasahan na ng Pambansang Pulisya ang isang major breakthrough sa kasong ito sa mga susunod na araw.

Mayroon na kasi aniyang hawak na mga impormasyon ang mga otoridad hinggil sa pagkakakilanlan ng mastermind at gayundin ang iba pang sangkot sa krimen na ito.

Bukod dito ay inihahanda na rin aniya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dokumentong kinakailangan para sa pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga salarin.

Sa ngayon, tumanggi muna ang Pambansang Pulisya na isapubliko kung kailan nito planong ihain sa korte ang naturang mga kaso ngunit asahan aniya ang mas maigting na operasyon ng binuong Joint Task Force ng pamahalaan sa pagtutulungan ng puwersa ng PNP at AFP.

Samantala, kaugnay nito ay patuloy pa rin ang panawagan ng mga pulisya sa mastermind at iba pang salarin sa nasabing pamamaslang na sumuko na sa mga otoridad.