-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagsisisi ang isang lalaki matapos arestuhin dahil sa pagpatay umano sa isang senior citizen sa Barangay Santa Rosa, Olango Island sa Lapu-Lapu City.

Kinilala ang suspek na si Marciano Banse, 59-anyos, habang ang biktima ay si Maximo Cañete, 61, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Jesus Guitguit ng Olango Police Station, tila hindi na nakatiis si Banse sa pag-iingay sa kapitbahay niyang si Cañete dahil sa kalasingan nito.

Sa sobrang galit, kinuha niya ang16-inch na Flamenco knife at sinaksak niya ang matanda.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima dahil sa natamo nitong sugat sa kanyang dibdib ngunit binawian din ng buhay.

Dagdag pa ni Guitguit na nadala lang sa sobrang galit si Banse kaya nagawa niya ang krimen.

Nakakulong ang suspek sa detention cell ng Olango Police Station at nahaharap sa kasong murder.