-- Advertisements --

Pinuna ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. ang suhestiyon ng Department of Health at ng Department of Interior and Local Government na kailangan magsuot ng face mask kahit nasa loob ng bahay.

Sinabi ni Garbin na ang mahinang contact tracing system sa bansa ang siyang dahilan kung bakit inirekomenda ng DOH at ng DILG ang “unconvincing” policy proposal ng mga ito.

Sinabi ni Garbin na hindi siya kumbensido sa dahilan ng DOH at DILG na karamihan sa hawaan ng COVID-19 ay nangyayari mismo sa loob ng bahay.

Para sa kanya, ang mahinang contact tracing, at ang pag-pokus ng contact tracers sa mga miyembro ng pamilya na nagpositibo sa COVID-19 ang siyang dahilan nang mahinang data ng DOH at DILG.

Hindi kasi aniya kasama sa COVID-19 data ng pamahalaan ang transmission sa mga pampublikong sasakyan, mga lugar ng trabaho at iba pang lugar sa labas ng bahay.

Paalala pa ni Garbin na masyadong mahirap ang pagsuot ng face mask sa loob ng bahay.