-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P87.6 milyon na halaga ng mga iba’t-ibang uri ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga kapulisan sa maglive-in partner sa Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek na sina Riza Bilbao at Alvin Rapinian ang 1.5 kilo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10.2-M, mahgit kumulang na 85 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P10.2-M.

Kasama ring nakumpiska sa buybust ang 35 kilos ng high grade marijuana o tinatawag na Kush na nagkakahalaga ng P49-M at isang kilo ng cocaine na may halagang P5.3-M.

May nakuha rin sa mga suspek na 7,594 piraso ng ecstacy tablets na nagkakahalaga ng P12.909-M at ilang mga kagamitan ganun din ang buy-bust money.

Ayon sa Quezon City Police district na online ang bentahan ng mga suspek at gumagamit pa ang mga ito ng delivery app para sa kanilang mga parokyano.

Itinuturing na bodega ng mga suspek ang bahay nila dahil doon nagaganap ang pagrerepack at pagbebenta ng droga.