-- Advertisements --

Nakahanda ang mahigit P800 million halaga ng standby funds para sa mga apektado ng severe Tropical Storm Florita.

Ayon lay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, nagpatawag sila ng pagpupulong bago ang paglandfall ng bagyo kasama ang local government units at national government agencies bilang paghahanda.

Sa kasalukuyan, mayroong 480,000 units ng family food packs ang available para sa deployment sa mga apektado ng tropical storm.

Inatasan na rin ng NDRRMC ang LGUs at national agencies para imonitor ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng nagdaang lindol partikular na sa Northern Luzon dahil sa posibleng landslides.

Pinaalalahanan din ang mga disaster managers at LGUs na magsagawa ng agarang evacuation activities at magsagawa ng inventory ng relief items na kailangan.