Naipamahagi na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pinakahihintay na Yearend Bonus ng bawat miyembro ng kapulisan sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic ang bansa.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas bilang gantimpala sa sakripisyo at pagihihrap ng lahat ng Pulis na gumanap sa kanilang tungkulin.
Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo kay PNP Directorate for Comptrollership MGen. Emmanuel Licup kaniyang sinabi ipinalabas na ng PNP Finance Service ang nasa mahigit P7.8 Bilyong Pisong pondo para sa bonus ng 215,571 tauhan ng PNP at nakalagay na ito sa kanilang mga ATM payroll accounts.
” Pasok na yan starting Sunday and yesterday, yes despite po sa pandemic, in fact yung bonus and cash gifts ay one month basic salary plus P5,000 na cash gifts. It used to be the 13th Month Pay, its the 14th month pay na ngayon,” pahayag ni MGen.Licup.
Ayon sa heneral nuong linggo pa available ang nasabing bonuses.
Nilinaw naman ni Licup na hindi kabilang sa tatanggap ng Year end bonus ang mga Pulis na may mga kinahaharap na kasong administratibo lalo na iyong kasalukuyang suspendido.
Pero makakatanggap pa rin ang mga ito ng cash gifts.
Ayon kay Licup ang Year-end bonus ay katumbas ng one month salary ng isang pulis, nasa P5,000 naman ang cash gifts na matatanggap ng lahat ng PNP personnel kahit suspendido at may kinakaharap na kasong administratibo.
” We would like to send a message to them (PNP members) that the government is really taking care of us na despite all the the hardships in our economy, the government is making sure that what is due for us is given to us especially those who are deserving, despite the pandemic we will have a christmas for everyone,” dagdag pa ni MGen. Licup.