CAUAYAN CITY- Naharang at Narekover ng pulisya ang mahigit 5.7 million pesos na halaga ng Marijuana at iba pang kontrabando na karga ng isang abandonadong sasakyan sa Cagalwan, Pasil, Kalinga
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCaptain Ruff Manganip, Deputy Provincial Community Affairs Development Unit ng Kalinga Police Provincial Office unang nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng 2nd Company Kalinga Provincial First Mobile Company may kauganyan sa isang puting sasakyan na may lulan na marijuana ang dadaan sa checkpoint sa bahagi ng Dinacan, Lubuagan, Kalinga.
Dahil sa natanggap na imormasiyon ay agad inilatag ang isang checkpoint sa lugar kung saan namataan ang isang puting sasakyan na mabilis pinapatakbo ng hindi pa natukoy na tsuper.
Sinubukang pahintuin ang sasakyan subalit linampasan lamang nito ang mga otorida kaya agad ikinasa ang isang hot pursuit operation kalaunan ay narekober ang inabandonang sasakyan sa Pasil-Balbalan, Kalinga road.
Nakuha ng mga otoridad ang sampung bricks ng dried marijuana leaves,stalk and fruiting top na naka balot sa isang transparent plastic sachet, may bigat na 10,000 grams at may street value na 1.2 million pesos
Tatlong tubula na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at stalks may bigat na 3,000 grams at nagkakahalaga ng 360,000 pesos.
Labing walong piraso ng pinatuyong marijuana na ibinalot sa transparent plastic na nagkakahalaga naman ang 4.2 million pesos.
Narekober rin ang puting toyota rush na may plate number na NFV-9982, isang piaraso ng plastic a naglalaman ng OR/CR, at mga resibo.
Dahil sa isinagawang manhunt operation ng mga otoridad ay nahuli ang tsuper ng inabandonang sasakyan na si Albert Dugwawi,dalawamput siyam na taong gulang, magsasaka at residente ng Pacac Agbanawag, Tabuk City, Kalinga sa masukal na bahagi ng daan malapit sa lugar kung saan nito iniwan Ang SUV.