Ipinahayag ng Department of Budget and Management na aabot sa mahigit Php450 billion ang halaga ng budget na itinalaga ng administrasyong Marcos para tugunan ang epekto ng climate change sa bansa.
Sinabi ito ng kagawaran sa isang statement kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa earth hour na gaganapin ngayong araw na isa raw sa mga pinaka simpleng paraan ng pagtulong na iligtas ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.
Paliwanag ng DBM, ang Php464.5 billion na halaga ng budget na inilaan ng pamahalaan ay para sa mga climate change projects nito ay sumasalamin sa 8.8% ng national budget ng gobyerno.
‘Di hamak na amas mataas ito ng 60.1% kung ikukumapara sa naging allocation noong taong 2022 na nagkakahalaga lamang sa Php289.7 billion.
Ayon sa kagawaran, patuloy ang kanilang pagsusumikap na ipatupad ang mga programa at mga hakbangin pahinggil sa pagpapatupad ng environmental friendly parameters, tulad na lamang ng institutionalization ng sustainable/green public procurement na nagbibigay-aan sa procurement ng goods at services na nakakatulong sa pagpapababa ng environmental impact.
Kaugnay nito ay patuloy naman ang paghikayat ng DBM sa publiko na tumulong sa prevention ng ecological degradation at disasters sa pamamagitan ng pagpapatibay pa sa climate change mitigation and resilience programs, paggamit ng renewable energy, at pagpapanatili ng mababang greenhouse emmission, at marami pang iba.