Iniulat ng Office of the Civil Defense na umabot na sa Php437-million na ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan para sa mga biktima ng Bulkang Mayon.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pag a-alburoto ng nasabing bulkan na dahilan ng pananatili nito sa alert level 3 sa loob ng tatlong buwan.
Paliwanag ni OCD administrator at Usec. Ariel Nepomuceno, kabilang sa mga ito ay ang pamamahagi ng mga pagkain at non-food items para sa mga residenteng apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Habang bukod dito ay ginagastusan din aniya ng gobyerno ang mga sanitation services sa mga evacuation areas.
Samantala, bukod dito ay mayroon ding nakahandang Php2.3-billion na halaga ng standby funds at relief goods ang Department of Social Welfare and Development para pa rin sa nasa 9,876 na mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.