-- Advertisements --
P340K Shabu

Sinampahan na ng kaso ang dalawang Chinese national na nahulian ng mahigit 400 milyon halaga ng iligal na droga sa San Fernando Pampanga.

Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director PBGeneral Cesar Pasiwen, na kinilala ang suspek na sina Wenjie Chen alyas Harry, 45-anyos, may-asawa at residente ng San Antonio, Gerona, Tarlac at Sy Yan Qing, 42-anyos, may-asawa at residente ng Sto. Domingo, Angeles City.

Ginanap ang anti-drug operations sa Lakeshore sa kahabaan ng NLEX Mexico, Pampanga kung saan kasama ng mga kapulisan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Capital Region at ilang operatiba sa NCR.

Nakuha sa mga suspek ang limang piraso ng vacuum sealed plastic Chinese tea bag na may bigat ng limang kilo at naglalaman ng hinihinalang shabu at mayroong estimated na halaga ng P34-milyon, 55 pirasong vacuum sealed plastic Chinese tea bag na mayroong bigat na 55 kilos na naglalaman ng crystaline substance na nagkakahalaga ng P374-milyon, limang pirasong P1,000 na pera bilang marked money at isang cellphone ganun din ang ilang pirasong mga Identification cards.

Ang nasabing mga suspek ay matagal ng binabantayan na sila ang nagpapakalat ng tinaguriang “Tsaa-bu”.