-- Advertisements --

Aabot sa mahigit Php31-billion na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa nito sa loob ng isa’t-kalahating taon.

Sa datos na inilabas ng ahensya, mula noong Hulyo 1, 2022 hanggang Disyembre 31, 2023 ay pumalo na sa kabuuang Php31.07-billion na halaga ng iba’t-ibang ilegal na droga ang nakumpiska nito.

Kinabibilangan ito ng nasa 4,212.24 kgs ng shabu, 48.02kgs ng cocain, 54,013 piraso ng ecstasy, at 3,158.98 kgs ng marijuana.

Kaugnay nito ay aabot naman sa kabuuang 75,880 na mga drug personalities ang arestado ng mga otoridad, habang nasa 5,137 arestadong high-value targets mula sa 55,495 na mga anti-drug related operations na kanilang ikinasa sa iba’t-ibang mga bansa.

Samantala, kasabay nito malugod ding ibinalita ng ahensya na sa ngayon ay nasa 28,243 na mga barangay na ang cleared mula sa ilegal na droga, habang bumaba rin ang bilang ng mga drug-affected barangays sa datos na 7,268.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang anti-illegal drug operation sa bansa.