-- Advertisements --
cigarette 2023 05 30 00 55 40924 thumbnail

Nakumpiska ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ), sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ang P24. 6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatan ng Brgy. Sinunuc, Zamboanga City.

Sa pagsisikap nitong paigtingin ang border control laban sa smuggling, nagsagawa ang team ng joint maritime patrol operation, na humantong sa pagharang ng isang motorized boat na may markang “MB UTOH MAT MAT”, na puno ng mga kahon ng smuggled na mga sigarilyo.

Sa masusing inspeksyon, ibinunyag ng limang (5) tripulante na ang barko ay nagmula sa Jolo, Sulu, at patungo sa Zamboanga City.

Gayunpaman, nabigo ang tripulante na magbigay ng mga dokumentong nagpapatunay sa legal na pag-angkat ng nasabing kargamento.

Sa isinagawang imbentaryo ng BOC, napag-alaman na ang sasakyang pandagat ay may dalang 423 master case ng mga sigarilyo ng iba’t ibang brand.

Binigyang-diin ni Acting District Collector, Arthur G. Sevilla Jr. na ang Port of Zamboanga ay mahigpit na nakipag-ugnayan sa iba pang operating units sa pagsasagawa ng maritime patrol operations alinsunod sa direktiba ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio na pagbutihin ang mga estratehiya sa paglaban ng BOC laban sa ipinagbabawal na kalakalan.

Ang subject vessel at mga imported master case ng sigarilyo ay nakitaan ng paglabag sa Section 1113 (a) ng R.A. 10863, o mas kilala bilang “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016”, na may kaugnayan sa Seksyon 117 at “Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations”.