-- Advertisements --
pdea destroys p72 b drugs in cavite 1

Nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu na may tinatayang street value na P23.8 milyon mula sa apat na suspek sa lalawigan ng Cavite.

Sa isang ulat, sinabi ng ahensya na ang mga suspek na sina Montaha Abbas, Datu Bandong, Norhata Abbas, ; at Elsie Bandong, ay arestado sa buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad.

Mga 3.5 kg ang nakumpiska mula sa kanila na hinihinalang shabu, buy-bust money, mobile phone, at notebook na naglalaman ng mga talaan ng mga transaksyon sa droga.

Kakasuhan ang apat na suspekt ng paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to Section 26B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.