Isa nanaman pong kababayan natin ang nakaahon sa hirap matapos ang maswerteng pagkakapanalo ng mahigit Php21-million na halaga ng jackpot prize ng Lotto 6/42.
Sa kumbinasyong 25-10-14-17-19-42 ay nanalo ang isang 65-anyos na retiradong overseas Filipino worker at residente ng Pasig City ng limpak-limpak na Php21,966,450.20 na jackpot prize.
Ayon sa jackpot winner, ang kaniyang napiling kumbinasyon ng mga numero ay batay sa mga petsa ng kaarawan ng kaniyang mga kamag-anak.
Noong Oktubre 24, 2023 na-claim ng winner ang kaniyang premyo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.
Ayon sa Jackpot winner, plano niyang ipang-negosyo ang napanalunang pera, habang gagamitin din niya sa educational assistance ng kaniyang pamilya at mga anak ang isang bahagi nito, at para rin sa kaniyang kinabukasan.