Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong matapos ang isinagawang buybust operation nitong Sabado, Agosto 20, ng mga sakop ng City Intellegence Unit sa Banawa Brgy. Guadalaupe nitong lungsod ng Cebu kung saan nakumpiska ang mahigit P2 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu.
Nakilala ang naaresto na si Ramses Racho, residente ng Sta. Ana ng nasabing barangay ngunit kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Tisa nitong lungsod.
Nakumpiska mula sa posisyon ni Racho ang 300 gramo ng shabu na nagkakakahalaga ng mahigit P2 million pesos.
Ayon pa sa pulisya na tatlong linggong isinailalim sa surveillance ang suspek bago ikinasa ang operasyon.
Makapagdispose pa ang suspek ng 500 na gramo hanggang sa 1 kilo ng shabu kada linggo sa mga lugar nitong lungsod maging sa hilaga at timog na bahagi ng Cebu.
May nakuha rin umanong impormasyon ang pulisya kung saan sino ang source ng naaresto ngunit patuloy pa nila itong iimbestigahan.
Sa ngayon, nahaharap ang naaresto suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 po ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.