-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa mahigit P2 billion ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Ulysses sa imprastraktura sa region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Information Officer Wilson Valdez ng DPWH Region 2 na aabot na sa mahigit P2 billion ang napinsala sa imprastraktura sa lambak ng Cagayan at posible pang madagdagan dahil patuloy pa rin ang assessment

Aniya, pinakamarami sa mga nasira ay ang mga flood control systems at ang mga daan.

Umaasa naman sila na mabibigyan agad ito ng pondo para maayos agad ang mga nasirang imprastraktura sa rehiyon.

Kaugnay nito ay passable na rin sa ngayon ang mga major roads sa lambak ng Cagayan tulad ng daang Maharlika, Santiago-Tuguegarao Road at Manila North Road.

Dahil dito, pinayuhan ang lahat na mag-ingat gayundin ang mga biyahero na magbaon ng mahabang pasensya kung magkaroon man ng mahabang traffic sa kanilang biyahe.